Feeds:
Posts
Comments

Posts Tagged ‘GMA’

There’s this thing we call “humility” when being asked. Here are the few rules that are supposedly to be followed when answering a question.

1. Keep your answer brief.
2. Keep your answer related.
3. Say nothing unnecessary.
4. Follow/answer it with another one.
5. Be sarcastic.

Numbers 4 and 5 add wittiness, thus they optional. The first three, however, are important; violation of these rules would result into something like this…

“Isa po akong Psychology, at nakikita kong wala naman s’yang diperensya…” -Marian Rivera

It won’t take long before they air something like…
“tao lang po ako, nagkakamali rin. *Sniff sniff* Sana naman po huwag nila ako husgahan, mayabang lang talaga ko paminsan-minsan.” Then again, I’m just assuming.

Read Full Post »

LUMUHA KA, AKING SINING
Amado V. Hernandez

Lumuha ka, aking Sining; buong lungkot mong iluha

ang kawawang kapalaran ng alagad mong kawawa;

Ang ordeng iginagawad dapat sa mga dakila,

ay order na lamang ngayon mula sa pangulong daya.

Sa tatlumpo’t pitong taon, tila bahay itong sira

Na noong nagdaang buwan ay tuluyan nang nagiba.

Lumuha ka, habang sila sa palasyo’y nagdiriwang

Sa libingan ng matuwid, baluktot ay may libangan

Katulad mo’y Inang Bayan na nagmukhang si Bakekang

Katulad mo’y si Juana Change, binaliw ng kahirapan.

Kung ang bumuhay kay Panday at ang pumatay kay Panday

ay kasabwat nina Pandak, baka mabuhay ang patay!

Iluha mo ang sambuntong kasawiang nagtalakop

Na sa kultura’y pahirap, sa buwitre’y pampalusog;

Ang lahat mong kalinisa’y kamal-kamal na nauubos,

Ang lahat mong katapata’y sabay-sabay na natapos;

Masdan mo ang iyong dila, dayong wika’y nakatanod

Masdan Mo ang iyong diwa, pagkabansa’y nasa laot!

Lumuha ka kung sa puso ay nagmaliw na ang layon

Kung ang araw sa langit mo’y The True, The Good, The Beautiful;

Kung ang alon sa dagat mo ay mayroong I am Ninoy

Kung ang bulkan sa dibdib mo’y umusok ng New Millennium;

Kung wala nang maglalamay pati ang Erap for the Poor,

Lumuha sa I am sorry pagkat tuta kang inulol!

May araw ding ang luha mo’y masasaid, matutuyo,

May araw ding ang mata mo’y tuluyan nang manlalabong

tulad ng katotohanang umiiyak na ng dugo,

samantalang ang sikmura’y aserong kumukulo.

Sisigaw kaming artista—sa liyab ng libong sulo;

ang bungang hinog sa pilit ay tansong tubog sa ginto!

Watch the video. Please.
Artista ng Bayan, ngayon ay lumalaban!

Read Full Post »